Best viewed in Mozilla Firefox or Google Chrome, screen resolution 1280 x 800 or 1280 x 1024.
|
Jan 13, 2008
Final Dedication for SFA~ *des teils eins*
-----------01.11-12.2008 ----------- Thank God it's finally a Friday! I've waited for so long like June 'till March. The next few weeks should kill of my time so, yeah, there's no time to post entries [again]. Again, the year's ending, so like what I did back when I was in my sophie year. And oh yes, I'll be speaking like, Tagalog [slash] English here. Dedicated to IV - Saint Francis of Assisi, Madami nang nangyari simula pa nung June. Madami na tayong pinagdaanan. Pero sa mga 'yun, parati tayong magkasama kahit anu pa yung dumaan sa harap natin. It's always 'bout damayan, damayan, damayan. Wala nang iba. So, this final dedication is for all of you guys~ Final reminder: Walang pikunan, kasi yan ang nakikita ko sa araw-araw. Makupalan man kayo or what, it's all up to you if you wanna stay that way. Sisimulan ko sa pinaka-una hanggang sa tabi ng tuldok. # 1 Mark Erikson Angeles - medyo pikon ka pag nairita ka ng iba, pero to the eyes of yer loyal friends, mapagkakatiwalaan. Somewhat between the line of petix-dom and good yung perf na nakikita ko sa'yo. Alam na alam mo kung saan ka lulugar, alam mo ring pumatol sa mga ayaw sa'yo. Good for you XD. # 2 Fidel 'Bart' Anonuevo - second-rater 'Petix Lord'. Pasok naman tayo pare! Tutal, patapos na yung taon, para naman me mapagmamalaki ka bukod sa nag-graduate ka . Lie-low muna tayo, para walang maging panget na makita sa'yo. # 3 Arden Aron Asuncion - reliable as ever. Matinik parin sa mga gawain, masyadong low profile kaya tinitingala ng mga tao. Yun lang, kasi maganda yung output mo. # 4 Neil Patrick Bote - Ewan ko ba kung galit ka o magkaibigan kayo ni Gigs. May sariling mundo kasi kayo eh...yung tipong wala talagang pakialam sa iba. Pero sa loob ng court, hayup ka. # 5 Brian 'Lagers' Bumanglag - Nagbago yung tingin ko sa'yo. Andoon parin yung rocker image na nakita ko nung sophie year ko, pero me bahid na daw ng emo blood...sobrang low profile...parang, ayaw mong magpakilala sa mundo. Behind the scenes? I don't know. # 6 Mark Kristan Cabello - Medyo mapili sa mga taong gusto niyang kaibiganin...parang kayo ni Randol. XD Pero overalls, good, 'saintly' guy ka parin...a little cooperation lang yung hinihingi namin...cooperation na...alam mo na! X) # 7 Jerome 'Catol' Catolico - Now I believe in what Jay-jack said last retreat. Medyo a little bit of Cabello, pero uh...pinaglalaban mo yung alam mong tama sa paningin ng tao. Totally justified person ka, at gusto kong manatili yun sa sistema mo. # 8 Arvin Kay Cayabyab - Arvin!! Idol! Kahit alam kong bad boy image si Arvin, tingin ko me pagka-anghel din yan. XD Kahit hindi kita, loyal na kaibigan yan...hindi ko lang maintindihan kung bakit minsan, napapamura siya nang di oras. XP # 9 Julian 'Jay-jack' Celis - Completely speechless ako...impression ko lang? Parang tambay sa mga videoke-han...panay ang kanta ng oldies eh. XD Don't take it the wrong way, pero dude, I salute your specialties. /no1 # 10 Albert 'Gigs' Cruz - Menyeeeeeeeeeek! Wala na yatang araw na naririnig kitang pinag-uusapan ang 'sex'. Ampf ka boy. Bukod sa sobrang PTX ka, leecher ka pa! Pero minsan, ang last resorts ko, ikaw. Me source kasi ng pera pag projects. XD Tsaka a bit of techno-geek ka, kaya 'lam ko yung advantage mo. # 11 Chaz Michael Datu - Isa pang icon ng Batch Grandeur na nasa sekshun namin. Aakalain mo kupal si Chaz, pero pag nakilala mo, aba, babaliktad yung sinabi mo. Responsable, tsaka matinik siya. Lahat ng napapansin niya, nakakarating sa mga nakakataas~ pwera na lang sa private life ng iba at ehem...'academic help' na ginagawa natin. XD # 12 Paolo 'Chuck' Deang - Mabait at mapagkakatiwalaan ng kahit anung bagay. Chuck's a really good person, yan ang impresyon ko at ng ibang kaibigan niya. Ahaha, pero Chuck, please lang, huwag mo na akong gawing IDOL...--, mas marami pang adik sa RO dyan bukod sa akin XD # 13 Kevin Paul de Guzman - Mahangin pa rin, as usual. Pero yung hangin na 'yun, imbes na nagiging masama yung pakiramdam, baliktad yung impact niya. Ganoon katindi yung aura ni Pegus. Mistah Confidence pa nga tawag d'yan namin ni Cyr last year kasi all the time, makikita mo siya; kalmadong-kalmado. Parang walang problema. Earthy, kumbaga. # 14 Ralph Dominic de la Cruz - Medyo kalahati ito sa pagiging PTX ni Bart. Masaya din siyang kausap, mas maaasahan mo kesa kay Gigs. # 15 Walter 'Amado' Desiderio - Ito...ang taong...perpekto. HINDI MARUNONG MAGALIT SI WALTER . Matalino, pala-biro, pala-kaibigan, masayahin pa. UBER optimistic pa. Nakakatawa pa mga hirit niya. Iyon ang Walter Alexis Desiderio ng Claret. Maipagmamalaki kita, bord~ /thx for teh memories :D # 16 Raymond 'mK' Diaz - Medyo lingering parin yung pagka-kupal mo nung sophie year natin. Pero nabago na. Matinong matino ka palang kasama't kasabwat sa.../gg...tapos sobrang adaptive sa surroundings niya. Alisto rin; pag me nalaglag na papel, napapansin niya agad, kahit gaano kalayo...XD Ganyan na ang Raymond Diaz na kilala ko. Loyal, simple kahit ehem...mayaman, romantiko tsaka masayahin. # 17 Cyr Raniel Encinares - Money in teh bank Cyr! Haha. Responsable ka parin, hindi pa rin nagbabago yung Cyr na alam ko last year. Sorry na lang sa mga tawag ko sa'yo. That's it. Happy hunting na lang sa college! Este...magaling pa rin sa DotA...basically, ikaw na lang ang hindi ko pa napapatumba sa DotA...haha XP # 18 Khrystian 'Kyle' Estrella - Isa pang icon ng Claret nandito sa section namin. Multi-talented rin si Kyle², pero he never put it to better use. Naniniwala ako sa sinabi ni Salvi na me tinatago ka pa sa loob mo. Hindi pa ba ngayon ang oras na ilabas 'yun? # 19 John Michael 'Mikey' Francisco - Frankly, what I don't like 'bout Mikey is the constant interrogation. Yung parang 'Uy, laro tayo pulis-pulisan! Ako magtatanong!' Alam kong minsan, kino-confirm mo yung mga dapat kong gawin para sa'yo, mga gagawin natin, pero pare, me times na sumusubsob sa limitasyon ko yung mga tanong mo. Yun lang. # 20 Jose Eusebio 'Jeg' Guerra - Si Jeg kahit nilalait na Iranian, ignorante siya do'n. Yun yung maganda kay Jeg, na parang esponghe kung kumuha ng asar. Matalino din, kayang maging independent sa pag-aaral. Onti na lang p're, malalagpasan mo na si Randol. /bling # 21 Don 'bK' Guerrero - Happy-go-lucky, reliable, team player. Medyo adaptive sa mga surroundings; alert, mostly vigilant. Matulungin naman kung me mga nahihirapan...especially sa test. Siya yung tipong pag tinanong mo, kahit hindi alam, dederetsuhin ka. # 23 Gene ' ' Ilagan - Ang simbolo ng buong hayskul...nasa amin rin?! Hindi kapani-paniwala, pero masaya ako kasi feel ko naging kilalang-kilala yung mga taong kinakasama niya...parang ako tsaka si Walter...hehe. Basically, siya yung taong mas mapagkakatiwalaan mo kaysa kay V3 Kasi alam mong safe yung lahat ng iko-confess mo sa kanya...XP# 24 Kyle Isidoro - Hindi ako nakapagpasalamat sa warm welcome ng pamilya mo doon sa birthday party mo. Sorry doon. Ahehe~ pero si Kyle, batak mag-Ingles...sanay na sanay na. Masayahin din na parang si Gigs kasi lagi niyang kakuwentuhan tuwing lunch. # 25 Patrick 'Pat' Lansang - Munteeeeeh~! Wala akong masabi, except for the fact na nakakatawa ka lang talaga tumawa. Pero it's not all fun and games for munteeeh here. Matulungin siya masyado, kaya minsan...ahaha, napapahamak pati siya. XD # 26 Phillip Miguel Luis - Ismol baht terribewl. 'Wag na wag mong mamaliitin si Phillip. Dahil bukod sa makakatikim ka ng solidong mura mula sa kanya pag ginawa mo, sisiguraduhin niyang kakainin mo 'yung sinabi mo. Palaban si Phillip sa kahit anong anggulo. Salamats sa lahat! Have a smooth sailing in kahlij~ # 27 Matthew 'Mateo' Martinez - Personalleh, gusto ko lang sabihin na...uhh...IDOL NA IDOL KITA! Multeh-talented si Matt, tsaka me natatago ding talino. Hanep din pagdating sa arts; huwaw! Parang pwede nang maghanap-buhay dahil sa puhunang talento ni Matt~ hehe. /no1 # 28 Carlo Miguel Millado - Sobrang tahimik niya...I barely know anything about his past...better yet, his personality. Pero I won't wait for him to come near me. Well, malapit ka kay Phillip and that makes you one of my fwens. :D # 29 Mike Joseph Ong - Endurance at waaaaay looooooooooooonger patience lang pare. Kahit ganyan ang sinasabi nila tungkol sa'yo, tandaan mo: HINDI PA NILA NAKIKITA ANG TUNAY MONG SARILI. Malay mo, balang araw, mailantad mo nang maayos ang gusto mong maging. # 30 Mark Raymund 'Pork' Posadas - Mabait at masarap kakuwentuhan. Nagulat nga ako madaming parehas sa mga gusto natin eh! Hehe. Truth be told, I wanna know more about Porky here. # 31 Mark Randell 'Randol' Quines - Gusto ko lang magpasalamat sa mga tulong mo--sa mga pang-akademiks, mga iba pang mga bagay na eh...ayaw ko nang sabihin kung saan. XD Basta itong si Randell, masayahing kaibigan. Napakabihira nitong magalit, parang si Walter. Kaya, I salute you! # 32 Angel Jay Ramos - Medyo mala-Arvin din, bad boy image yata...lagi yatang barado si JohnLord sa mga pinagsasasabi mo sa kanya...hahaha. Bukod sa parating sinasaway ng ilang mga teachers, hotspot din siya ng bagsakan...pero sure, mababago mo pa 'yang negativity na 'yan. It's not too late, y'know. # 33 Christler 'TX' Real - Ang CATng petiks [slash] sipagin. Naghahari lang sa CAT at DotA time. Nakakatawa ang bawat banat na sabihin niya. Sa sobrang tagal na naming kasama 'to, turing namin parang everyday = rest day || petix day for Christler. # 34 Joseph '정지훈' Rosales - Silent din...pero mala-Arvin din. Kita yung mala-bad boy image niya. Pero once you get to know 'em, kami lang yata nila Sulki at Tinoy yung may alam ng Arashi...XD # 35 Enrico 'Rico' Salvador - Loyal na kaibigan, hindi ka talaga iiwanan. As in, you won't be left behind at anything; fun, studies, gimmicks, anything. As payment, the respect and kindness you always wanted in a person is yours. # 36 Jon Ashlee Santos - Hyperactive type ~ parang naka-drugs lagi. Akala ko nga nung first dei nerd si Ashlee kasi naka-salamin...tapos dala isang notebook. You proved me wrong. Batak mag-DotA; ilang beses nga akong kinain eh. XP Keep up the hyperactivity, you might find someone nice and loyal friends. # 37 Deo Segunial - Deo: Batak sa studies, batak sa athletics. Pusong mamon, pala-kaibigan, lie-low-type, friendly; a second kind of the ideal person. That's who Deo is. # 38 Darryl Titus Sevilla - AKA Pusoy King. Hindi parin mawawala yung mga intrigang nakakabit sa'yo...na lahat, nilalantad ni Gene. XP Pero mabait siya sa mga inaapi, kinakampihan niya yung mga tumba na. In short, A COMPLETE OPPOSITE OF CHRISTLER REAL + ONIN VELARDE. # 39 Bryan 'Sulki' Sulquiano - Magaling sa pagiging lider, as seen in Harana 2007 and in various performances. Magaling magtago ng sikreto; yun yung gustong-gusto ko kay Bry. /go~ # 40 Peter Tomines - Twice as better than Mateo. Natatawa nga ko't napuri mo 'ko dun sa crosshatch ni Louise na ginawa ko months ago...biruin mo, napuri ako ng mas magaling sa akin. Multeh-talented din na parang Mateo + Walter + Don bK. # 41 Lorenzo 'Tinoy' Tolentino - Bihirang magsalita sa harap ng mga teacher. But when the cats aren't chasin', the mouse are playin'. Magaling sa mga strategy games...DotA, card games, name it. Unang kita ko niya nung sophies, tingin ko gangster siya kasi mga kalaro ni Jordan dati...hehe. Pero mukha namang kapani-paniwala yung pagkatao niya :3 # 42 Jacob Torio - Lagi kong nakikita ito nasa hardcourt. Golayat sa laki~ nice. Medyo may hidden talent din, pero medyo unused pa. Lighten up, then you could just be what you wanna be. # 43 Christian Emmanuel 'ONIN' velarde - Feel ko ikaw lang yung magulo sa klase. Kasi 'pag wala ka, bawas ingay . Para yatang gusto mong ipakita sa publiko yung buong talambuhay mo... /pif # 44 Migs 'BUTU' Vitriolo - Menyeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeek ka din parang si Gigs. Pero magaling...este...responsableng lider 'to, bord. Maaasahan sa mga group activities tapos laging happy...laging jolly! :D Masayang kasama, all-in-all, kasi swabe din bumanat. XD That's for the students of IV - Saint Francis of Assisi. The next part is about the godfather of SFA, Mistah Johnlord Mendoza himself. Tally-ho~! Labels: Flying High~, Reminiscence, Socialities |